ALAMIN: Guidelines sa granular lockdown, alert levels, inilabas na

ALAMIN: Guidelines sa granular lockdown, alert levels, inilabas na

September 14, 2021 @ 7:13 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Niratipikahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang bagong guidelines na gagamitin para sa pilot implementation ng granular lockdowns at alert levels system sa Kalakhang Maynila.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tagapagsalita rin ng IATF-EID na ang bagong classification framework ay magsisimula sa Seyembre 16.

“In this new classification framework, we proactively advocate the Principles of 3C’s (Closed, Crowded and Close Contact) Strategy, which shall be applied in Metro Manila starting September 16, 2021,” ayon kay Sec. Roque.

Aniya, myroong pangangailangan na kailangang balansehin ang kalusugan at ekonomiya.

Sa ilalim ng bagong guidelines, ang bagong community quarantine classifications ay magkakaroon ng limang Alert Levels na magde-determina ng aktibidad na papayagan sa lungsod o munisipalidad

Kabilang na rito ang:

* Alert Level 1 – tumutukoy sa mga lugar kung saan ang case transmission ay mababa at bumababa, total bed utilization rate, at intensive care unit utilization ay mababa.

* Alert Level 2 – tumutukoy sa mga lugar kung saan ang case transmission ay mababa at bumababa, healthcare utilization ay mababa o ang case counts ay mababa subalit tumataas, o ang case counts ay mababa at bumababa subalit ang kabuuang bed utilization rate at intensive care unit utilization rate ay tumataas.

*Alert Level 3 – tumutukoy sa mga lugar kung saan ang case counts ay mataas o tumataas, na may kabuuang bed utilization rate at intensive care unit utilization rate na may tumataas sa paggamit.

* Alert Level 4 – tumutukoy sa mga lugar kung saan ang case counts ay mataas o tumataas, na may kabuuang bed utilization rate at intensive care unit utilization rate na mataas.

*Alert Level 5 – tumutukoy sa mga lugar kung saan ang case counts ay alarming o nakababahala na may kabuuang bed utilization rate at intensive care unit utilization rate na nasa critical level.

Ia-identify naman ng Department of Health (DOH) ang Alert Level ng pilot area na dapat lamang sumunod sa protocols kasama ang deklaradong Alert Level.”

“Areas placed under Alert Level 5 shall observe the guidelines applicable to Enhanced Community Quarantine (ECQ) as provided for under the IATF Omnibus Guidelines on the implementation of Community Quarantine in the Philippines, as amended,” ang nakasaad sa bagong guidelines.

Noong Setyembre 3, nagpalabas ang IATF ng resolusyon na nagsasabing sa ilalim ng bagong classification framework, na nakatuon sa pagpapatupad ng granular lockdown measures, ang community quarantine ay ibababa sa ECQ o general community quarantine (GCQ) “with the latter having an alert level system (Alert Level 1 to 4) with each alert level limiting restrictions only to identified high-risk activities.”

Mayroon namang kapangyarihan ang mga city at municipal mayors na magpatupad ng granular lockdowns sa kani-kanilang mga component barangays “subject to the concurrence of the Regional Inter-Agency Task Force (RIATF), and individual houses where one household member has been confirmed.”

Ayon sa bagong guidelines, ang granular lockdown o micro-level quarantine para sa mga lugar na identified bilang “critical zones” ng local government unit (LGU) ay maaaring ideklarang “regardless of Alert Level.”

Ang Granular lockdowns ay kailangan na tumagal lamang ng 14 na araw.

Ang deklarasyon naman ng granular lockdowns ay kailangan na “provisionally effective immediately” at kailangan na kagyat na ipaalam sa RIATF.

Pinanatili naman ng IATF ang kanilang mandato na magpatupad o bawiin ang lockdowns sa highly urbanized cities at independent component cities.

Ang sambahayan o mga residente na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown ay kailangan na tulungan ng kani-kanilang local government units (LGUs) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakasaad pa rin sa pilot test guidelines na titiyakin ng Philippine National Police ang kapayapaan at palagiang kaayusan at ang security protocols ay kailangang manatili sa lockdown areas.

Sa panahon ng lockdown period, tanging ang mga health care worker at non-health personnel working sa mga ospital, laboratoryo at dialysis facilities “if their institutions are unable to provide accommodation”, at uniformed personnel na inatasan na magpatupad ng granular lockdown, ay papayagan na gumalaw sa loob at labas ng lugar. Kris Jose


  •  
  •  
  •