ALAMIN: Iskedyul ng bangko sa EDSA holiday

ALAMIN: Iskedyul ng bangko sa EDSA holiday

February 24, 2022 @ 1:13 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Karamihan sa mga bangko ay tigil-operasyon sa Biyernes, Pebrero 25.

Ito ay bilang pag-alala sa EDSA People Power Revolution Anniversary na isang holiday din sa bansa.

Sa kabila nito, may ilang mga piling branch ng bangko ang mananatiling bukas para sa kanilang kliyente.

Narito ang kanilang inanunsyong iskedyul:

Asia United Bank (AUB)
Lahat ng branch ay sarado. Magbabalik-operasyon sa Lunes, Pebrero 28, 2022.

Bank of the Philippine Islands (BPI)Lahat ng branch ay sarado. Magbabalik-operasyon sa Lunes, Pebrero 28, 2022.

BDO Unibank Inc.
Bukas ang ilang branches hanggang 4 p.m.

Hongkong and Shanghai Banking Corp. (HSBC)
Lahat ng branch ay sarado.

Metropolitan Bank & Trust Co. (Metrobank)
Ilang mga branch ang isasara, habang ang ibang branch ay magpapatupad ng pinaikling oras ng operasyon.

Philippine Bank of Communications (PBCOM)
Sarado ang lahat ng branch.

Philippine National Bank (PNB)
Karamihan ng branch ay isasara.

Security Bank Corp.
Sarado ang lahat ng branch.

RNT