ALAMIN: Iskedyul ng miting de avance ng presidentiables

ALAMIN: Iskedyul ng miting de avance ng presidentiables

May 5, 2022 @ 12:08 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Abalang-abala na ngayon ang mga presidential candidates, kanilang running mates, at senatorial slate sa paghahanda sa pagdaraos ng kanilang miting de avance ngayong linggo para pinal na itulak sa mga botante ang kanilang mga sarili at adhikain bago pa sumapit ang halalan sa Lunes, Mayo 9.

Sa katunayan inilihis ng tambalang Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto ang kanilang karaniwang miting de avance para i-cap off ang three-month campaign. Sa halip, bibisitahin nila bukas, Mayo 6 ang Carmona, Cavite.

Sinabi ni Lacson na magkakaroon sila ng “kumustahan” sa mga residente sa mga lugar gaya ng Plaza at Terminal na hindi tradisyonal na ginagawa ng mga national candidates.

Sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte ay nagsimula nang ikasa ang kanilang miting de avance sa bayan ng Guimbal sa Iloilo, araw ng Martes, Mayo 3 para sa Visayas leg ng kanilang “final push.”

Ngayong araw ng Huwebes, Mayo 5 ay tutungo naman ang tambalang BBM -Sara sa Mindanao upang ligawan ang mga botanteng sa hometown ng mga Duterte. Magsasagawa ang ang mga ito ng major event sa Tagum City Hall grounds sa Davao del Norte province.

Ang kanilang nationwide miting de avance ay magtatapos sa Solaire sa Parañaque City, araw ng Sabado, Mayo 7, huling araw ng pangangampanya.

Sa kabilang dako, si Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso naman ay makikipagkita sa kanyang mga constituents sa huling stretch ng campaign season sa Mayo 7 sa Moriones, Tondo.

Habang si Senador Manny Pacquiao ay nakatakdang magdaos ng dalawang grand events bago ang huling araw ng pangangampanya.
Nakatakda itong magdaos ng kanyang miting de avance sa Cebu City, bukas, Mayo 6 at sa kanyang hometown sa General Santos City, sa araw ng Sabado, Mayo 7.

Si Vice President Leni Robredo naman ay magdaraos ng kanyang miting de avance, araw ng Sabado, Mayo 7 sa kahabaan ng Ayala Avenue corner Makati Avenue sa Makati City, alas-5 ng hapon. Ibig sabihin lamang na ang Angat Buhay slate at ang UniTeam lineup ni Marcos at Duterte ay kapuwa magdaraos ng kani-kanilang major event sa kaparehong gabi sa kalapit lungsod sa Kalakhang Maynila.

Sa final pre-election survey ng Pulse Asia, nananatiling nangunguna si Marcos sa Metro Manila na may 57% voter preference habang si Robredo naman ay naka-iskor ng 26%. Sa buong bansa, nangunguna pa rin si Marcos na mayroong 56% habang 23% naman si Robredo.

Bago pa ang Makati event, babalik si Robredo sa kanyang home region, Bicol para sa serye ng grand rallies sa Sorsogon, Legazpi, at her hometown Naga, bukas, Mayo 6.

Samantala, kahapon, Mayo 4, alas-6 ng gabi ay nakasama naman ni Labor leader Leody de Guzman ang buong slate ng Partido Lakas ng Masa, ang kanyang running mate Walden Bello at senatorial candidates Luke Espiritu, Roy Cabonegro, at David D’Angelo sa kanilang miting de avance sa Quezon City Memorial Circle covered court. Kris Jose