ALAMIN: Kanseladong flights ngayong Lunes, Sept. 12

ALAMIN: Kanseladong flights ngayong Lunes, Sept. 12

September 12, 2022 @ 11:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Dalawang local flights na naka-iskedyul ngayong Lunes, Setyembre 12, 2022, ang kinansela dahil sa masamang panahon, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Sa abiso, sinabi ng MIAA said na ang dalawang flights na kanselado hanggang nitong alas-9:20 ng umaga ay:

PAL Express

  • 2P 2932 Manila-Basco

  • 2P 2933 Basco-Manila

Inanunsyo ng state weather bureau PAGASA nitong Lunes na ang trough o extension ng bagyong Inday (international name: Muifa) ay posibleng magdulot ng isolated rain showers sa bahagi ng bansa.

Inaasahang lalabas si Inday ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi o bukas ng umaga, sa pagdako nito sa East China Sea. RNT/SA