ALAMIN: Mga alituntunin sa pagpasok sa Rizal Park

ALAMIN: Mga alituntunin sa pagpasok sa Rizal Park

September 15, 2021 @ 5:07 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines — Binuksan na ang Rizal Park sa Maynila para sa mga nais mag-ehersiyon rito simula Huwebes, ayon sa anunsyo ng Department of Tourism (DOT),

“Rizal Park will once again open its gates to visitors […] who wish to engage in physical exercise,” saad ng DOT.

Samantala, hindi naman papayagan na makapasok dito ang 18-anyos pababa at 65 anyos pataas, dagdag pa ng DOT.

Bukas ang nasyunal na parke mula 5:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at tanging 500 bisita lang ang papayagan.

Inabisuhan din ang mga bibisita na mag-download ng StaySafe app para sa mas mabilis na pagpasok sa parke, pero pwede pa rin naman ang mano-manong paglagda sa contact tracing form sa bukana ng parke. RNT


  •  
  •  
  •