ALAMIN: Mga “allowed movement” ng kumpletong bakunado

ALAMIN: Mga “allowed movement” ng kumpletong bakunado

July 9, 2021 @ 2:00 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Isa-isang nilinaw ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang “allowed movement” ng mga kumpletong bakunado na indibiduwal laban sa COVID-19.

Nakasaad sa Resolution No. 124-B ng IATF na pinapayagan ang intrazonal movement ng fully vaccinated senior citizens sa mga lugar na nasa general community quarantine at modified GCQ.

Ang pagpresenta ng lehitimong COVID-19 vaccination card, local o foreign; o certificate of quarantine completion na nagpapakita na vaccination status ng isang holder nito na inisyu ng Bureau of Quarantine, ay kinakailangan din sa pagbyahe.

Samantala, para naman sa interzonal travel, ang lehitiomong COVID-19 vaccination card ay maaring tanggapin ng lokal na gobyerno bilang alternatibo sa RT-PCR testing requirement ng local government .

Ani Roque na COVID-19 vaccination cards na ito ay sapat na katibayan nang pagbabakuna at sinuman aniya ang mag-presenta ng pinekeng vaccination cards ay mananagot sang-ayon sa batas.

Sa kabilang dako, inamiyendahan din ng IATF ang pertinent provision ng Resolution 124-A, na nagbibigay awtorisasyon sa Philippine Overseas Labor Offices na beripikahin ang vaccination status ng asawa, mga anak at mga magulang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na kasama ng mga ito na buma-byahe.

Samantala, pinayagan ng IATF ang pagsasagawa ng Foreign Service Officers Examination (FSOE) Oral Tests na itinakda sa Hulyo 28-30, 2021, para 26 examinees na gagawin sa iba’t ibang venues sa Department of Foreign Affairs Building.

Pinayagan din ang pagdaraos ng Binibining Pilipinas 2021 Coronation Night sa Smart Araneta Coliseum na mahigpit na magpapatupad ng health at safety protocols.

Ang lahat ng mga kalahok at mga bisita ay kinakailangang sumailalim sa COVID-19 RT-PCR Test 48 oras bago ang event. Kris Jose