ALAMIN: Mga insentibong naghihintay kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz

ALAMIN: Mga insentibong naghihintay kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz

July 28, 2021 @ 6:11 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Matapos ang makasaysayang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa larangan ng weightlifting, inulan ito ng mga pagbati at pinagkalooban ng mga insentibo mula sa business tycoons, gobyerno, sponsorship mula sa malalaking kumpanya at ng mga small business.

Tingnan kung gaano karaming insentibo ang makukuha ni Hidilyn pagbalik niya ng bansa!

Narito ang tala ng kabuuang cash rewards at pledges na makukuha ni Hidilyn, tax-free!:

  • P10 milyong money reward na sakop ng Republic Act 10699 for the National Athletes and Coaches Benefits sa akda at sponsorship ni Sen. Sonny Angara

  • P10 milyong mula sa business tycoon na si Ramon Ang

  • P10 milyong mula sa multi millionaire businessman na si Manny V. Pangilinan

  • P3 milyong reward mula kay Rep. Mikee Romero

  • P2.5 milyong na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga

  • P5 milyong prize money mula sa Siklab Atleta Sports Foundation na pagmamay-ari ni Dennis Uy

Bukod pa rito ay mayroon din siyang makukuhang ari-arian mula sa malalaking negosyo sa bansa:

  • P14 milyong halaga ng condominium unit sa Eastwood City mula sa Megaworld 

  •  P4 milyong halaga ng bahay at lupa mula sa Century Properties

  •  P4 milyong halaga ng bahay at lupa mula sa PHirst Park Homes (Tagaytay)

  • 13-seater na transvan mula sa FOTON Motor Philippines Inc.

Hindi lang iyan, naghihintay din sa Olympic gold medalist ang lifetime access sa mga sumusunod na businesses:

  • Lifetime Fuel mula sa Phoenix Petroleum na pagmamay-ari ni Dennis Uy

  • Lifetime free flights na ipinagkaloob sa kanya ng AirAsia

  • “Forever Flyer” title na may kasamang free 80,000 miles ng flight per year, for life, mula sa Philippine Airlines

  • Free lifetime vehicle inspection  mula sa Vehicle Inspection Center Operators Association of the Philippines (Vicoap)

  • Lifetime free meal mula sa Tipsy Pig

  • Lifetime milk teas mula sa sumusunod na milk tea shops:

    • Cabin Brew Milk Tea

    • Wortea

    • Batang 9teas Nationwide

Mayroon pang isang taong suplay ng milk tea na mula sa Milk Tealicious Ph (Angono) at ang kilalang Cha Tuk Chak.

Matitikman niya rin ng libre at unlimited habangbuhay ang pinagmamalaking La Paz Batchoy at Pancit Molo ng Iloilo City at may kasama pang free hotel accomodation for two sa Dinagyang Festival, lahat ng ito ayon sa pahayag ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas.

Narito pa ang nakalululang listahan ng mga libre, unlimited, isang taon at hanggang panghabangbuhay na offers ng ilan pang Pinoy businesses sa kampyeon natin na si Hidilyn!:

  • Bounty Fresh – libreng 22,400 pirasong Range and Specialty Eggs

  • Salt and Pepper – one year free unlimited Samgyupsal

  • Eat ‘n Out – lifetime free ramen

  • Ciao Bella – one year free signature massage

  • Baby Mocha – lifetime free Coffee

  • Hugot Cafe – Free unli wings for life

  • VC Grilled Burger – Free lifetime Angus Burger

  • TERMAXPRO Pest Control – two years free pest control services

  • Kitchen Joes – lifetime free meal

  • Kanto Freestyle Breakfast – Breakfast habangbuhay

  • Burger Garage (San Juan City) – lifetime free burgers

  • Yumgyeopsal (Bulacan) – Free Unlimited Lifetime Samgyup

  • GastroPubliko – libreng kain habangbuhay

  • Mila’s Lechon – isang buong Lechon

  • NADS Project Racing – hanggang 100,000 km libreng CVT cleaning and change oil services

  • Annyeong Corndog Business Franchise – one free franchise sa kaniyang mapipiling beneficiary

  • House of Lasagna – libreng franchise para sa kampyeon at kanyang pamilya

  • Mang Atchan’s Spiced Tocino Bagacay – one year free barbeque

  • JC Events & Services – libreng Coordination Package pag naisipan na niyang magpakasal

  • Calma Integrated Farm – lifetime free entrance fee and free seedlings/cuttings with free shipping fee

  • Empanads Kamo Da – lifetime free empanada

  • Ashcramble (Tramo, Pasay City) – lifetime free ice scramble

  • Anytime Cleaners Ph – 1 year free first class home cleaning services

  • Clington Espinosa (Classick City) – libreng full body tattoo

  • Makaonta sa Tapsihan atbp. – free food for life

  • Pretty and Calm Beauty and Body Wellness Center – one year free services

  • Pares ni Chairman – unlimited taba for lifetime

  • Financial Freedom Matters – free lifetime financial coaching

  • BRIX Pizza – Unlimited pizza sa loob ng isang taon

  • Kick Out – lifetime free shipping sa lahat ng items

  • Evoshine Auto Detailing – lifetime free car wash

Lalo pang humahaba ang listahan ng mga negosyong nais magbigay ng reward kay Hidilyn, ngunit sa kabila ng kanyang pagkapanalo ay ang suporta na natanggap niya mula sa kanyang mga sponsorship noong nasa training pa lamang.

Sa kanyang pinakahuling na Instagram post, ibinahagi niya ang tao-pusong pasasalamat sa kanyang mga sponsors mula sa gobyerno, pribadong mga tao at negosyo, pamilya, kaibigan at panalangin ng mga tao para sa kanyang pambihirang pagkapanalo.

Kabilang sa listahan ng kanyang mga sponsor at support system noong mga panahong nag-eensayo pa lamang siya at naghahanda para sa kompetisyong ito ay ang sumusunod:

  • Philippine Air Force

  • Philippine Sports Commission

  • Philippine Olympic Committee

  • Manny V. Pangilinan

  • Alsons Power Group

  • Alaxan FR

  • Manulife Philippines

  • Summit Water Philippines

  • Anvil Publishing – Ginto’t Pilak author

  • USANA

  • Phoenix Petroleum

Isa si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga tumulong kay Hidilyn Diaz na makakuha ng sponsorship deal na magpopondo sa kanyang training.

Noong Agosto 8, 2019, sa pamamagitan ni Go, nakakuha si Hidilyn ng P2 milyong donasyong pondo mula sa business tycoon na si Dennis Uy na inilaan para sa bahay, pagkain, akomodasyon, allowance, mga kagamitan at iba pang mga kinakailangan para sa kanyang preparasyon sa Tokyo Olympics 2020.

Patuloy pang kumakalap ng pondo ang Kamara upang madagdagan pa ang insentibo para sa Olympic gold medalist na si Hidilyn, target nila, lima hanggang 10 milyong piso para kay Diaz.

Sa kabila ng kakulangan at paghihirap na pinansyal na naranasan ni Hidilyn noong nakaraang taon habang nasa training ay nakakuha pa rin siya ng sapat ng tulong mula sa mga taong aniya ‘ginamit ng Diyos’ para makamit niya ang tagumpay na ito.Samantala, nakauwi na ng bansa ang kampyeon at handa ng salubungin hindi lamang ang kanyang pamilya kundi pati ang mga insentibong ito na talaga namang nararapat lang para sa kanya! -RNT/Ethel Mangao -trainee


  •  
  •  
  •