ALAMIN: Mga kalsadang isasara sa 2022 Bar exam

ALAMIN: Mga kalsadang isasara sa 2022 Bar exam

November 7, 2022 @ 5:59 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo na ng Korte Suprema nitong Lunes, Nobyembre 7 ang nakatakdang pagsasara sa ilang mga kalsada sa paparating na 2022 Bar examinations.

Kabilang sa mga kalsadang isasara ay ang mga nasa paligid ng mga itinalagang local testing center katulad ng De La Salle University, San Beda University, Manila Adventist College, University of the Philippines, BGC at Ateneo De Manila University sa Metro Manila.

Sa Luzon naman, may inaasahan din na increased volume of traffic at pagsasara ng kalsada sa bisinidad ng mga local testing centers tulad ng Saint Louise University, Baguio City; University of Nueva Caceres, Naga City; at De La Salle University – Lipa.

Samantala, sa Visayas naman ay kabilang ang mga local testing centers sa University of San Carlos, Cebu City; University of Cebu – Banilad; at Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation sa Tacloban City, at sa Mindanao ay ang Ateneo de Zamboanga University, Xavier University at Ateneo de Davao University.

Tingnan ang larawang ito para sa kumpletong listahan ng mga isasarang kalsada sa Nobyembre 9, 13, 16 at 20. RNT/JGC