ALAMIN: Pinas ‘di sumali sa joint military drill

ALAMIN: Pinas ‘di sumali sa joint military drill

August 6, 2020 @ 4:06 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang Malakanyang kung bakit ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine Navy na iwasang makiisa sa mga isinasagawang joint maritime drills sa South China Sea.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry roque, matagal na itong polisiya ni Pangulong Duterte sa ilalim ng ipinatutupad nitong independiyenteng panlabas na relasyon.

Aniya, naniniwala kasi ang Chief Executive na ang Pilipinas ay dapat na manatiling kaibigan ng lahat ng mga nasyon sa mundo at hindi kaaway ng sinoman.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na kung magreresulta lamang sa mas matinding tensyon ang mga ginagawang hakbang ngayon ng mga superpower nations, marapat lamang na maging maingat at umiwas dito ang Pilipinas. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...