Alamin: Pinoy trust rating kina Zubiri, Romualdez, Gesmundo

Alamin: Pinoy trust rating kina Zubiri, Romualdez, Gesmundo

December 1, 2022 @ 12:35 PM 2 months ago


Nakakuha sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Martin Romualdez ng trust ratings na 52 percent at 38 percent, ayon sa pagkakasunod, sa pinakahuling Tugon ng Masa survey na inilabas ng OCTA Research.

Sinabi ng OCTA na sina Zubiri at Romualdez ang nakakuha ng pinakamataas na trust scores mula sa Mindanao (66 percent at 55 percent, respectively) at Class E (55 percent at 40 percent, respectively).

Napag-alaman din na nakakuha si Chief Justice Alexander Gesmundo ng trust rating na 24 percent at nakakuha ng pinakamataas na trust rating sa Mindanao (43 percent) at Class ABC (34 percent).

Bukod dito, 53 porsiyento at 44 porsiyento ng mga Pilipino ang kuntento sa pagganap nina Zubiri at Romualdez, ayon sa pagkakasunod.

Nairehistro ni Zubiri ang pinakamataas na performance rating sa Visayas (63 percent), habang si Romualdez ang nakakuha ng pinakamataas na performance score sa Mindanao (53 percent).

Samantala, nakakuha si Gesmundo ng performance rating na 30 percent, na may pinakamataas na performance ratings sa Mindanao (43 percent) at Class D (33 percent).

Sa parehong survey nakakuha naman sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte ng majority trust at approval scores.

Ang pambansang survey ng Tugon ng Masa ay isang independyente at hindi kinomisyon na poll na regular na isinasagawa ng OCTA Research.

Isinagawa ng OCTA ang pinakahuling survey nito mula Oktubre 23 hanggang 27 na may 1,200 adult na respondent sa buong bansa.

Sa survey, tinanong ng OCTA ang mga respondent tungkol sa antas ng kanilang tiwala sa mga matataas na opisyal ng gobyerno sa nakalipas na tatlong buwan. RNT