Alamin: Rekomendasyon ng DOJ cybercrime office upang maprotektahan ang mga stude sa online class

Alamin: Rekomendasyon ng DOJ cybercrime office upang maprotektahan ang mga stude sa online class

September 23, 2020 @ 3:24 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines   Nagbigay ng rekomendasyon ang Office of Cybercrime ng Department of Justice ng guidelines para maprotektahan ang mga bata na gumagamit ng video conferencing services para sa online classes.

Sa abiso ng cybercrime division sa mga school administrator na naghahawak ng online classes, iminungkahi na gawin ang mga sumusunod:

  1. Huwag ibahagi sa publiko ang meeting room credentials katulad ng ID at password.

  2. Tumugon sa meeting settings na:

– Tanggapin ang ‘request to join meeting’ ng mga participant isa-isa.

– Maglaan ng standard naming instructions sa participants (halimbawa: surname, first name, middle initial)

– Maglagay ng password sa participants

– I-mute ang participants sa kanilang pagpasok

– Simulan ang klase na naka-video off ang mga estudyante.

– I-disable ang screen share sa mga hindi naman host ng virtual meeting room

Bilang suporta naman ng mga magulang, dapat turuan ang kanilang mga anak na huwag maglantad ng mga impormasyon online upang hindi mabiktima ng cyberattack.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...