ALAMIN: Restriksyon sa in-person campaign, caravan ng 2022 bets

ALAMIN: Restriksyon sa in-person campaign, caravan ng 2022 bets

January 28, 2022 @ 6:55 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inisa-isa ng Interior Department ang mga restriksyon sa pagsasagawa ng in-person campaign at caravan ng mga kakandidato sa 2022 eleksyon.

Ang hakbang ay kasabay ng abiso sa publiko na maaari nilang ireklamo ang mga magpapasaway na kandidato sa paglabag sa mga inilatag na health protocol sa gitna ng pandemya at ng election period.

Sa interyu sa CNN Philippines, sinabi ni Interior spokesperson Jonathan Malaya na magsisilbing “deputies” ng Commission on Elections ang Philippine National Police sa pagsisiguro na masusunod ang minimum public health standards sa campaign peeriod

“There are specific things that must be followed depending on alert level,” ani Malaya.

“We will need evidences, photos, affidavits of individuals. And cases can be filed by either by the PNP or private complainants with the Comelec, because these are technically election offenses,” paliwanag pa ng opisyal.

Base sa Resolution 10732 na ipinalabas ng Comelec narito ang mga sumusunod na restriksyon:

Para sa in-person campaigns, sa ilalim ng Section 12 narito ang mga sumusunod na alituntunin:

  • Sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 – Walang itinakdang limitasyon

  • Sa Alert Level 2 – ang kandidato at campaign leader ay pwedeng samahan ng limang campaign support staff sa pangangampanya ng personal

  • Sa Alert Level 3 – ang kandidato at campaign leader ay pwedeng samahan ng tatlong campaign support staff sa pangangampanya ng personal

  • Sa Alert Level 4 at 5 – Hindi papayagan ang kahit na anong uri ng pangangampanya ng personal

Para sa “caucuses, meetings, convention, rallies, aat miting de avance”

  • Sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 – Papayagan ang 70% kapasidad ng lugar na pagdarausan, indoor man o outdoor

  • Sa Alert Level 2 – Papayagan ang 50% kapasidad ng lugar na pagdarausan, indoor man o outdoor

  • Sa Alert Level 3 – Papayagan ang 50% kapasidad ng enclosed outdoor venue

  • Sa Alert Level 4 – Papayagan ang 30% kapasidad ng enclosed outdoor venue

  • Sa Alert Level 5 – Hindi papayagan ang kahit na anong pagtitipon

Mga pinagbabawal na aktibidad na may physical contact

Sa ilalim naman ng Section 15 pinagbabawal ang kahit na anomang uri ng physical contact sa conventions, miting de avance, at rallies sa lahat ng Alert Levels.

Kabilang dito ang mga aktibidad tulad ng:

  • Pakikipagkamay, yakap, arm-in-arm o anomang aksyon na may physical na contact sa mga kandidato, mga kasama, maging ang publiko;

  • Pagsasagawa ng selfies, pagkuha ng litrato, at anomang aktibidad na kinakailangang makalapit sa isa’t isa

  • Pamamahagi ng pagkain, inumin, at ano pa mang mga gamit

Sa Pebrero 8 na pwedeng magsimula ang pangangampanya ng national candidates, habang ang local candidates ay sa Marso 25. RNT