Alamin: #Walangtubig sa ilang lugar sa Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Cavite

Alamin: #Walangtubig sa ilang lugar sa Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Cavite

April 30, 2019 @ 11:32 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Makararanas ng water interruptions ang ilang barangay sa Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Cavite na sinusuplayan ng Maynilad simula ngayong Martes.

Ayon sa Maynilad nitong Martes, ang emergency water supply interruptions ay ipatutupad dahil sa unusual algae proliferation sa Laguna Lake, nagdulot ng pagbaba ng produksyon ng tubig sa kanilang Putatan water treatment facilities.

Aasahan ang mahinang pressure o walang suplay ng tubig sa mga sumusunod na lugar hanggang ika-14 ng Mayo:

Muntinlupa City

Alabang (5 a.m. to 8 p.m.)

Cupang (5 a.m. to 8 p.m.)

Sucat (5 a.m. to 8 p.m.)

Barangays Alabang at Ayala Alabang sa Muntinlupa City (5 a.m. to 1 a.m.)

Barangays Alabang, Bayanan, Poblacion, Putatan, Tunasan (7 p.m. to 2 p.m.)

Barangays Poblacion at Tunasan (3 a.m. to 1 a.m)

Barangay Sucat (2 p.m. to 2 a.m.)

Las Piñas City

Barangays Almanza Uno, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Pilar, Pulanglupa Dos, Talon Uno, Talon Dos, Talon Tres, Talon Kuatro, Talon Singko (5 a.m. to 1 a.m.)

Barangay Almanza Dos [BF Almanza, T.S. Cruz Subdivision, Versailles] (3 a.m. to 1 a.m.)

Barangays Almanza Uno at BF International/CAA (5 a.m. to 1 a.m.)

Parañaque City

Barangay BF Homes (5 a.m. to 1 a.m.)

Barangays BF Homes at San Antonio (5 a.m. to 11 p.m.)

Barangay BF Homes (2 p.m. to 2 a.m.)

Imus City

Barangays Anabu I-A hanggang I-F, Bayan Luma I hanggang IX, Bucandala I hanggang V, Carsadang Bago I hanggang II, Malagasang I-A hanggang I-D, Malagasang I-G, Malagasang II-C hanggang II-G, Poblacion I-A hanggang I-C, Poblacion II-A, Poblacion III-A hanggang III-B, Poblacion IV-A hanggang IV-D, Tanzang Luma I hanggang VI, at Tociong I-A hanggang I-C (11 a.m. to 11 p.m.)

Barangay Pasong Buaya II (9 a.m. to 11 p.m.)

Bacoor City

Barangays Molino III to IV (9 a.m. to 11 p.m.)

Barangays Molino II, Molino III, Molino VII, Queens Row Central, Queens Row East, Queens Row West, San Nicolas III

Nagbabala ang Maynilad sa kanilang mga kostumer na kahit na nag-anunsiyo sila ng oras ng service interruption ay maaari pa rin itong hindi masunod dahil sa ilang mga factor./Remate News Team