Alamin: #WalangTubig sa P’que, Pasay, Las Piñas at Muntinlupa

Alamin: #WalangTubig sa P’que, Pasay, Las Piñas at Muntinlupa

March 15, 2023 @ 12:23 PM 2 weeks ago


Inihayag ng Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) ang kanilang pagpapatupad ng water service interruption sa ilang bahagi ng Parañaque, Pasay, Las Piñas at Muntinlupa dahil sa prolonged high raw water turbidity na dala ng hanging Amihan.

Ayon sa Facebook page post ng Parañaque Public Information Office (PIO), ang implementasyon ng water service interruption ng Maynilad sa lungsod ay magaganap ng apat na araw simula Marso 14-17 tuwing alas 8 ng gabi hanggang alas 6 ng umaga.

Walong barangay sa Parañaque ang maaapektuhan ng water service interruption ng Maynilad na kinabibilangan ng Barangay Don Bosco (Magdalena at Remanville), Barangay Marcelo Green (Greenwood, Maharlika Booster, Marcelo, at Marcelo Phase 5, Moss), Barangay Merville (Barcelona, Glacier, Hannibal, Main Ave., Merville Village, Molave Park, Rome, South Admiral – Bernabe at South Admiral – Daly Road), Barangay Moonwalk (Armstrong Moonbeam, Bolivia, E. Rodriguez Armstrong, Phimra at Rhomvi), Barangay San Antonio (Don Aguedo, Hernandez, Jestra, Lakandula, Magdalena, San Gabriel, Sav 1, Sav 9, at Sta Lucia), at ng Barangay San Isidro (Amvel, Green Heights at Sav 1).

Ang mga mawawalan naman ng suplay ng tubig mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng gabi ay ang mga barangay ng BF Homes, Don Bosco, Marcelo Green, San Antonio, at Barangay San Martin de Porres.

Ang mga apektadong lugar sa Barangay BF Homes ay ang A. Luz, Acsie, Amvel, D. Cabellion, D. Tuazon, Dela Rama, Florence, Gil Puyat, Goodwill 2, Ipil Village, J. Elizalde, Jackielou Ville, Lirag, Mashville, Nicanor Jacinto, Phase 6 BF, Pitong Daan, Presidents Avenue, Sampaloc Subdivision, Tahanan Village, Tehran at Vinzon.

Sa Barangay Don Bosco, ang apektado ay ang Aeropark, Annex 1618, Annex 35, Bolivia, Camella Homes Don Bosco, Ceylon, Dona Soledad Extension, France, Levitown, Saudi, Somalia Scienceville Somalia, Un-Don Bosco, at Zambia habang sa Barangay Marcelo Green ay ang mga lugar ng Acsie, Sampaguita, Severina Left, Severina Right, South Green Park, at Wsr-Marcelo.

Apektado rin sa In Barangay San Antonio ang Estate, Amvel Goodwill 2, Goodwill 3, Meliton, Saudi-Somalia, Severina Right at Soreena samantalang sa Barangay San Martin de Porres naman ay ang Makati Southhills-Marian, Tindalo UPS-2, United Hills Subdivision, gayundin ang UPS 1, 2 at 3.

Sa Pasay City, anim na barangay na kinabibilangan ng mga Barangay 181 hanggang 185 at ng Barangay 201 ang mawawalan ng suplay ng tubig na aabot ng walong oras mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 6:00 kinabukasan ng umaga.

Sa Las Piñas ay natatanging ang Barangay Almanza Dos sa lugar ng Versailles lamang ang mawawalan ng suplay ng tubig ng 21 oras mula alas 4:00 ng madaling araw hanggang ala 1:00 ng susunod na madaling araw.

Dalawang barangay naman sa Muntinlupa ang apektado ng katulad ng iskedyul ng kawalan ng suplay ng tubig sa Las Piñas na aabot ng 21 oras kung saan ang mga lugar ng NHA Phase 1 hanggang Phase 4, NBP area, NBP maximum at minimum area, MCX at Promiseland ay nasasakupan ng Barangay Poblacion gayundin ang lugar ng Victoria homes na matatagpuan naman sa Barangay Tunasan.

Humihingi din ng paumanhin ang Maynilad at pinayuhan ang mga residente ng nabanggit na apektadong mga lugar na mag-ipon ng kanilang makokonsumong tubig bago pa man maipatupad ang nakatakdang water service interruption. James I. Catapusan