#AlamMoBa? | Kahalagahan ng Linggo ng Palaspas

#AlamMoBa? | Kahalagahan ng Linggo ng Palaspas

April 10, 2022 @ 4:03 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Ang Semana Santa o Mahal na Araw ay isa sa pinakamahahalagang okasyon para sa mga Katoliko.

Ito ay panahon upang magnilay, mag-ayuno, magsisi at mag-alay ng kahit anong uri ng penitensiya.

At ilan sa mga tradisyon na bahagi ng pagdiriwang ng Semana Santa ang Linggo ng Palaspas, Pasyon, Pagdarasal ng Daan ng Krus o Via Dolorosa, Visita Iglesia, Senakulo, mga penitensiya, pakikinig ng Pitong Huling Wika, at ang Salubong sa Pasko ng Pagkabuhay.

Samantala, ang Linggo ng Palaspas ay ang ika-anim at huling Linggo ng Kuwaresma bago ang Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo.

Sa araw na ito ginugunita ng mga Kristiyano ang pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem bago ang kanyang kalbaryo na hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa.

#AlamMoBa? Ang Palaspas ay simbolo ng kabutihan at tagumpay

Sinasabi ng salita ng Diyos sa mga tao na pumutol ng sanga ng niyog at iwagayway ito sa pagdating ni Hesus sa Jerusalem.

Kabutihan at tagumpay ang simbolo ng mga palaspas at tanda rin ng huling tagumpay ni Hesus na kaniyang tutupdin sa kaniyang pagkamatay.

Ayon sa 1 Corinthians 15:55, “O death, where is your victory? O death, where is your sting?”

Ang Palaspas ay hindi agad na tinatapon pagkatapos na pabasbasan sa misa. Sa halip, ginagawa itong palamuti na kadalasang inilalagay sa altar, o idinidikit sa mga bintana at pinto ng bahay.

Sinusunog ito para gamitin sa susunod na Ash Wednesday, ang umpisa ng Lenten season.

#AlamMoBa? Ang unang paggunita sa Semana Santa ay naitala ni Egeria

Ang unang paggunita ng Semana Santa ay isinagawa ni Egeria, isang Gallic na babae na nagsagawa ng pilgrimage sa Holy Land mula 381-384.

Sa kaniyang paglalakbay, sumulat siya para sa grupo ng kababaihan sa Spain kung saan nakatala kaniyang paggunita sa Linggo ng Palaspas sa Jerusalem.

“…all the children who are gathered at the top of the Mount of Olives, including those who are not yet able to walk because they are too young and therefore are carried on their parents’ shoulders, all of them bear branches, some carrying palms, others olive branches. And the bishop is led in the same manner as the Lord once was led.”

Ang detalye sa makasaysayang paglalakbay ni Egeria ay naitala noong 380s. Narekober ang letter nang hindi kumpleto – walang pamagat, petsa at atribusyon.

Samantala, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagdalo muli sa misa ang mga deboto para sa Linggo ng Palaspas.

Dalawang taon ito mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic sa bansa kung saan ipagbawal ang religious gatherings para maiwasan ang hawaan ng virus. RNT