Alan Cayetano magaling na sa COVID; Cynthia Villar sapul, nag-hybrid session

Alan Cayetano magaling na sa COVID; Cynthia Villar sapul, nag-hybrid session

August 9, 2022 @ 5:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Gumaling na si Senador Alan Peter Cayetano sa pagkahawa ng COVID-19 nitong nakaraang linggo kaya’t hindi nakadadalo sa plenary session.

Ngunit, inihayag naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na positibo naman si Senador Cynthia Villar sa naturang sakit kaya’t hindi ito personal na nakadalo sa sesyon.

Base sa media advisory ng tanggapan ni Cayetano, kasalukuyang tinatapos ng mambabatas abng isang linggong quarantine kaya’t hindi ito personal na nakadalo sa sesyon simula nitong Lunes.

“Okey na ako. Tinatapos ko na lang ang 1 week quarantine,” ayon kay Cayetano.

“Papasok na ako next week,” dagdag ng senador.

Aniya, sa susunod na linggo na siya magpapasailalim sa COVID test upang matiyak na magaling na siya.

Samantala, sinabi ni Zubiri na pinayagan nang dumalo sa sesyon si Villar sa pamamagitan ng video conferencing sanhi ng pagkahawa sa COVID-19.

“We just want to put on record that Senator Cynthia Villar was tested positive. QWe would like to wish her well, and recovered immediately . she is online, and she answered the roll call,” ayon kay Zubiri sa paghahayag ng presensiya ng senador sa sesyon. Ernie Reyes