Alapag sa US na maninirahan

Alapag sa US na maninirahan

September 16, 2020 @ 8:45 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Tuluyan nang nagdesisyon si dating Gilas Pilipinas player, Alab Pilipinas head coach at PBA Most Valuable Player Jimmy Alapag at pamilya nito na manirahan na sa US.

Sinabi ng spokesperson nito na si Charlie Dy na maninirahan na sa Los Angeles, California si Alapag kasama ang pamilya.

Ayon sa ulat, nagdesiyon si Alapag na manirahan na sa US matapos dumanas ng miscarriage sa pang-apat sana nilang anak ang asawang si TV host LJ Moreno.

Matatandaang taong 2003 ng maging 10th overall first-round pick ng Talk ‘N Text sa PBA draft si Alapag at naglaro ito sa liga ng hanggang 2016.

Huling naglaro si Alapag sa koponan ng Meralco Bolts. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...