Alaska Aces kakalas na sa PBA

Alaska Aces kakalas na sa PBA

February 16, 2022 @ 12:30 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Bibitiw na ang Alaska Aces sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos ang 36 taon o mahigit tatlong dekada na paglahok sa liga.

Ginawa ng Aces ang nakagugulat na anunsiyo ngayong Miyerkules at sinabing aalis na sila sa liga at tatapusin ang makulay na 36 na taon kung saan nanalo ang koponan ng ilang mga titulo.

Gayunman, nilinaw ni team governor Dicky Bachmann na tatapusin pa rin nila ang nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup, kung saan kasalukuyang nasa ikaanim na pwesto ang Aces na may 3-2 win-loss card.

“We thought long and hard before making this final decision. However, we believe that this will allow us to refocus our resources on providing affordable nutrition for Filipino families,” ani AMC chairman Fred Uytengsu sa statement.

“Ang prangkisa ng Aces ay palaging magiging napakaespesyal sa akin. Nagkaroon ako ng magandang kapalaran na simulan ang prangkisa na ito sa edad na 24 at marami akong natutunan tungkol sa dynamics ng koponan at pagbuo ng mga championship team mula sa mga manlalaro at coaching staff.”

Ang Alaska ay isa sa mga pinakamagaling na club sa liga.

Nanalo ito ng kabuuang 14 na kampeonato, kabilang ang isang bihirang grand slam feat noong 1996 sa ilalim ng pamumuno ng batikang head coach na si Tim Cone.

Mayroon din itong 31 finals appearances at nakagawa ng ilang basketball legend tulad nina Johnny Abarrientos, Jojo Lastimosa, Jeff Cariaso, at Sonny Thoss.

“Habang nagpaalam kami sa aming minamahal na koponan ng Alaska Aces, pinasalamatan namin kayong lahat, mga tapat na tagahanga at tagasuporta, sa pagpapakita ng inyong pagmamahal at suporta sa lahat ng mga taon na ito,” sabi ng koponan.

“May the memory of Alaska Aces live on forever. Wala pa rin tatalo sa Alaska!”Rico Navarro

Ito ang nilalaman ng statement:

May be an image of 1 person and text