Alaska nakatikim ng 1st win sa PBA bubble

Alaska nakatikim ng 1st win sa PBA bubble

October 17, 2020 @ 10:50 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

PAMPANGA – Nakapasok na sa winning column ang Alaska Aces matapos payukurin ang Magnolia, 87-81 sa PBA Philippine Cup elimination round.

Nasiguro ang panalo ng Aces matapos isalpak ni Mike Digregorio ang isang go ahead shot sa tiyempong 0:54 sa fourth period kung saan nakuha nila ang sapat na kalamangan, 83-89 bago pumasok sa katapusan ng regulasyon.

Sinubukan pa ni Mark Barroca na habulin ang kalamangan ng Aces sa ibinaon nitong lay-up sa natitirang 33 seconds pero sinagot din ito ni Digregorio ng dalawang free throws.

Dalawang charities din ang ibinuslo ni Jeron Teng na sumelyo sa panalo ng Alaska.

Dahil sa panalo, tabla ngayon ang Alaska at Magnolia sa kartadang 1-2.

Nanguna para sa Aces ang mga dating La Salle player na sina Teng na may 19 points, Jvee Casio, 17 markers at Abu Tratter sa ikinamadang 10 points.

Sunod na haharapin ng Alaska ang Blackwater habang ang Magnolia ay sasagupa kontra Meralco sa Martes.

ISKOR:

Alaska — Teng 19, Casio 17, Tratter 10, Digregorio 10, Manuel 9, Herndon 7, Galliguez 6, Ebona 5, Brondial 4, Marcelino 0, Publico 0.

Magnolia — Barroca 16, Lee 14, Banchero 13, Jalalon 11, Dionisio 10, Sangalang 8, Dela Rosa 7, Corpuz 2, Reavis 0, Abundo 0.Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...