Albayalde, nag-update sa kaso ng pagkamatay ni Fr. Nilo

Albayalde, nag-update sa kaso ng pagkamatay ni Fr. Nilo

June 15, 2018 @ 1:12 PM 4 years ago


Manila, Philippines РNagbigay na ng status briefing si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde sa Palasyo ng Malakanyang hinggil sa kaso ng ikatlong pari na pinatay  sa Nueva Ecija na si Father Richmond Nilo.

Ayon kay Presidential spokesperson Sec. Harry Roque, may nakuha nang impormasyon ang pulisya ukol sa posibleng motibo ng pagpatay kay Fr. Nilo.

Subalit, hindi pa ito aniya maaaring isapubliko dahil nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Mismong si Gen. Albayalde na rin aniya ang nagsu-supervise ng imbestigasyon upang matiyak na agad na mapananagot ang mga nasa likod ng naturang krimen. (Kris Jose)