Albie, binastos ng afam sa indecent proposal!

Albie, binastos ng afam sa indecent proposal!

February 22, 2023 @ 6:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Aminado si Albie CasiƱo na hindi na bago ang makatanggap siya ng mga indecent proposal mula sa mga taong nagkakainteres sa kanya.

Pero nitong February 21, Martes ay ipinost niya sa kanyang Instagram account ang screen shot ng direct message mula sa isang unnamed foreigner na may kalaswaan ang nilalaman ng mensahe.

Ani Albie, sanay na raw siyang makatanggap ng mga indecent proposal, “But this is wild!”

Noong una’y parang ipinagyayabang ng afam (gay lingo for foreigner) ang larawan ng mga bansang napuntahan na nito.

These are countries na ayon sa IG user ay mga bansang hindi raw maa-afford puntahan ng aktor.

Nirepost niya ang DM nito which reads: “I eat you for breakfast tiny man.”

Wala nang mga kasunod na posts pero mahihinuhang may tugon pa si Albie sa sinabi ng dayuhan.

Kung tutuusin, laganap ang ganitong paghahain ng mga indecent proposal sa mga celebrity.

Pero karamihan sa kanila kundi man lahat ay dedma lang sa mga alok na ito.

Sa kaso ni Albie, parang nagbibigay siya ng babala sa mga kapwa niya artista na maaaring mabiktima ng mga taong walang magawa sa buhay.

Masuwerte kung may artistang ino-offeran ang susunggab sa alok.

Kilalang disente si Albie na ultimo nga lovelife niya ay hindi niya gawaing isapubliko.

In fact, little is known about Albie’s personal life.

Mas abala ang aktor sa pag-aasikaso ng kanyang Peri Peri charbroiled chicken house when not busy with showbiz work. Ronnie Carrasco III