Albie, mas bet kasama ang tropa!

Albie, mas bet kasama ang tropa!

November 8, 2022 @ 2:53 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Aminado ang aktor na si Albie Casino na sa galaan ay mas gusto niyang kasama ang kanyang squad kesa sa girlfriend.

‘Yan kasi ang isa sa mga napag-usapan sa mediacon ng Call Me Papi, isang sexy na barkada-comedy produced by FEAST Foundation under Vivamax.

“Real talk lang, mas gusto ko talaga kasama ang tropa kesa sa gf kasi ‘pag kasama ko, e, babae, you need to protect her pa. You need to check on her every now and then.

“E, ‘pag boys, kapag nalasing ‘yung tropa mo okay lang,” natatawang kwento ni Albie.

Biro kay Albie, tsiks ba ang madalas na pulutan sa usapan kapag kasama ang kanyang tropa?

“Nope, hindi girls ang topic nomin. Ang pinag-uusapan namin ‘yung update sa isa’t-isa. Saka tsine-cherish ko ‘yung time na nakakalabas ako with friends, ganu’n,” sabi pa ng aktor.

Bukod kay Andi Eigenman na naging ex ni Albie ay nagkaroon din siya ng romantic relationship kay Michelle Arceo. Sinasabing single daw ngayon si Albie.

Kasama ni Albie sa pelikula sina Enzo Pineda, Lharby Policarpio, Aaron Concepcion at Royce Cabrera. Ang pelikulang Call Me Papi ay dinirehe ni Alvin Yapan at ipapalabas sa mga sinehan sa December 7, 2022. JP Ignacio