Albie, nag-sorry kay Andi, nagpaliwanag sa paghuhugas-kamay!

Albie, nag-sorry kay Andi, nagpaliwanag sa paghuhugas-kamay!

November 22, 2021 @ 3:11 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Isang linggo matapos ma-evict sa PBB House, humingi ng tawad si Albie Casiño sa mga nasabi nito sa dating girlfriend na si Andi Eigenman.

Sa latest vlog ng actress/host na si Toni Gonzaga, matapang nitong inamin ang mga mali nitong nasabi at humingi ng tawad hindi lamang kay Andi kundi pati na rin sa lahat ng nasaktan.

“I want to apologize to everybody else who took what I said and got offended by it. I really did not mean to offend anybody else. But then again, hindi ako naghuhugas kamay dito. I really did want to say something to make her feel bad. That is also wrong,” bahagi ng paghingi ng tawad ng aktor.

Dagdag pa niya, in a way, gusto niyang magpatawa at the same time ay makaganti kay Andi sa nagawa nito sa kanya pero hindi niya inisip na magiging ganoon ang kalalabasan.

Matatandaang hindi nagbigay ng pahayag si Andi patungkol dito ngunit hindi naman napigilan ng inang si Jaclyn Jose na magsalita at ipagtanggol ang anak.

Marami ring netizens ang hindi natuwa sa mga nasabi ni Albie.

Pero what’s important is alam niyang may nagawa siyang masama at he is man enough to say sorry sa mga nasaktan niya.

Nasa 12th year na ngayon si Casiño sa showbiz industry at ibinahagi rin nito sa Toni Talks ang greatest lesson na natutunan niya.

“No matter how bad or how low you feel you are, you could always keep going if you want to,” saad ng aktor.

Sa ending ng vlog ni Toni, promoted ang Kumu account and YouTube channel ni Albie na napagkatuwaan ng netizens nitong nakalipas na linggo matapos i-promote ng aktor ang Kumu niya kung sakali mang mae-evict daw siya. Paula Jonabelle Ignacio