Albie, tuturuan ng boxing si Anji!

Albie, tuturuan ng boxing si Anji!

January 16, 2022 @ 9:57 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Magiging friends na raw forever sina Albie Casiño at Anji Salvacion kahit tapus na tapos na ang stint nila sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.

Nadiskubre na kasi ni Anji na napaka-caring and protective pala ni Albie na itinuturing na n’ya ngayon bilang parang totoong older brother.

Pero sa loob ng bahay ni Kuya nagsimula ang pagiging friends nila matapos sundin ni Anji ang payo ni Kuya na makipagkaibigan siya kay Albie na pwede n’yang simulan sa pakikipag-usap sa aktor tungkol sa kahit na anong topic.

Anjie ended up asking Albie about how to be “truly happy.”

Ang sagot umano ng aktot sa kanya ay: “You’ll be genuinely happy if you truly love yourself. Dapat unahin mo ang sarili mo.”

Naniwala naman si Anji, kaya’t halos palaging nasa isip n’ya yon.

Pahayag pa ni Anji tungkol kay Albie sa isang interview with ABS-CBN News: “Kuya Albie is the best! I will always and forever say this. Kuya Albie is my best kuya ever. I love Kuya Albie talaga. He’s the best kuya I never had. Kuya Albie’s just so sweet and so true and so very pure and genuine.”

Lahad naman ni Albie tungkol kay Anji: “I’m so proud of Anji talaga. I text her mom back and forth. Her mom reached out, thanked me for being a kuya figure to Anji. I would check up every once in a while.”

Their friendship has extended to their respective family members.

“His mom and my mom are always calling din. His mom showers me with compliments, she tells me to be brave. Their family is so sweet, and I’m very blessed to have them talaga,” lahad pa ni Anji.

Balak nga pala ni Albie na turuan si Anji na mag-boxing para daw medyo tumapang ang huli at madagdagan ang self-confidence. Napag-alaman kasi ni Albie na takot na takot si Anji sa kanya.

“I don’t ever want her to be in that position where she’s scared of someone again and she can’t get away. I want her to be confident. May fighting spirit ‘yang batang ‘yan, e,” deklara pa ng aktor.

Salitang-tapos naman ni Anji tungkol kay Albie: “I’m going to keep this person in my life. I’m going to have him forever. Hindi ko talaga iwi-waste si Kuya Albie. Super lucky ko talaga to have Kuya Albie. He’s a blessing to me.” Danny Vibas