Album ng AESPA, umarangkada sa Billboard 200

Album ng AESPA, umarangkada sa Billboard 200

July 18, 2022 @ 8:29 AM 4 weeks ago


SEOUL, South Korea – Tuloy-tuloy talaga ang nakukuhang achievements ng sikat na Kpop group na AESPA.

Ito ay makaraang umalagwa na naman sa Billboard 200 ang kanilang 2nd mini album na ‘Girls’.

Sa pinakahuling ulat, pasok sa 3rd spot ang naturang album sa Billboard 200 para sa linggong ito.

Sinundan nito ang ‘Un Verano Sin Ti’ ng Bad Bunny sa unang pwesto at ‘Wasteland’ ni Brent Faiyaz sa ikalawang pwesto.

Nakapagtala ng 56,000 equivalent album unit total ang ‘Girls’ ng AESPA dahilan para makuha nito ang kasalukuyang pwesto.

Matatandaan na sa naunang balita ay lampas isang milyon na kaagad o 1,126,000 na ang total first-week sales ng 2nd mini album ng grupo ayon sa Hanteo chart count.Ā RNT/JGC