Alden at Arjo minus Maine, pararangalan sa 5th Film Ambassadors’ Night!



Alden at Arjo minus Maine, pararangalan sa 5th Film Ambassadors’ Night!

February 24, 2021 @ 11:33 AM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Napiling parangalan ng FDCP sa pamumuno ni Liza Dino-Seguerra sina Angel Locsin, Arjo Atayde, Alden Richards, Cristine Reyes, Dingdong Dantes at iba pang achievers sa ika-5 edisyon ng Film Ambassadors’ Night ngayong taon

Ang taunang pagkilala na ito ay isinasagawa ng ahensya ng FDCP para bigyan ng pagpupugay ang mga alagad ng sining sa kanilang ambag para maisulong ang pelikulang Pilipino. Kasama rin dito ang mga miyembro ng film community na humakot ng award at nagbigay ng karangalan sa bansa sa mga prestihiyosong film festivals sa buong mundo.

Iniintriga naman na merong Alden at Arjo pero walang Maine Mendoza sa equation.

Sa A listers naman ay pasok sina Lav Diaz at Rafael Manuel.

Si Lav ay nagwagi ng Orizzonti Award bilang Best Director sa pelikulang  “Lahi, Hayop (Genus Pan)” sa 77th Venice International Film Festival sa Italya samantalang si Manuel ang nag-uwi ng Berlinale Shorts Silver Bear Jury Prize para sa short film na “Filipiñana” sa 70th Berlin International Film Festival sa Germany.

Sa Actors category naman ay namumukod-tangi si Arjo na itinanghal na Best Actor para sa “Bagman” sa 3rd Asian Academy Creative Awards sa Singapore, samantalang sina Alden at Dingdong ay nakakopo ng Asian Star Prize para sa “Hello, Love, Goodbye” at “Descendants of the Sun” sa Seoul International Drama Awards.

Sa Cinemadvocates category ay kinikilala ang naging kontribusyon nina Angel Locsin, Dingdong at Pangasinan 4th district Representative Christopher de Venecia.

Ilan pa sa awardees ay sina Cherie Gil, Alfred Vargas, Angel Aquino at Ronwaldo Martin na nagwagi ng best ensemble performance para sa “Kaputol” sa 4th Innuendo International Film Festival sa Milan, Italy.

Sina Lovi Poe at Allen Dizon naman ay itinanghal na best actress at best actor para sa pelikulang “Latay” sa International Film Festival Manhattan sa Estados Unidos, si Elijah Canlas ay wagi rin bilang best actor sa “Kalel, 15” sa 17th Asian Film Festival sa Rome, Italy, at si Louise Abuel naman ay tinanghal na best actor para sa “Edward” sa,18th Dhaka International Film Festival saMBangladesh.

Marami pang haligi ng industriya ang pararangalan ng FDCP.

Ang star-studded na 5th Film Ambassadors’ Night ay gaganapin sa isang virtual event sa Pebrero 28. Archie Liao


  •  
  •  
  •