Alden at Bea, bibida sa Pinoy adaptation ng Start-Up!

Alden at Bea, bibida sa Pinoy adaptation ng Start-Up!

March 7, 2022 @ 6:00 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Bibida si Alden Richards at Bea Alonzo sa Filipino adaptation ng Korean-drama hit series na Start-Up.

This show will be aired on GMA 7.

Ayon sa report, magsisimula ang lock-in taping next month, April. Hindi naman nabanggit kung sino pa ang ibang stars na makakasama ng dalawa.

This is going to be the first time na magkakasama sa isang project si Alden at Bea na matagal nang napatunayan ang husay sa pag-arte.

Super excited naman si Bea na makatrabaho si Alden.

“I know he’s such a brilliant actor, nakita ko rin siya sa workshops namin and sobrang nakaka-impress ‘yung performance niya,”.

Originally, unang napanood noong 2020 ang Start-up sa TV, isang South Korean-based network. It is one of the most popular K-drama series na hindi lang naging mega hit sa Asia kundi pati na rin globally. Pinagbidahan ito ng Korean superstars na sina Nam Joo-hyuk at Bae Suzy. Paula Jonabelle Ignacio