Alden, cum laude sa isang online course!

Alden, cum laude sa isang online course!

September 21, 2021 @ 5:40 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dalawang business course ang natapos ni Alden Richards with flying colors, ‘ika nga.

Ipinagmalaki ng kanyang amang si Richard Faulkerson ang dalawang certificates mula sa FinancePH Seminars which he posted on social media.

Nagkamit ng Stdent Grade na “cum laude” si Alden sa Stock Market 101: Fundamental Analysis at “with distinction” naman sa Financial Accounting 101 for Entrepreneurs and Professionals.

Malaking boost ito sa entrepreneurial side ng aktor na nakapagtayo ng ilang negosyo.

Si Alden na rin ang nagsabi na, “Quarantine told me to use my downtime to invest in self-improvement. Time is your best asset.”

Habang naka-season break kasi ang The World Between Us, Alden thought best na maging productive kesa nakatengga lang. ‘Yun ang dahilan kung bakit nag-enrol siya sa online classes.

‘Yun din ang dahilan kung bakit bilib sa kanya ang kanyang TWBU co-star na si Dina Bonnevie. Curious kung sino si Alden, Dina had to Google tungkol sa background nito aside from being an actor. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •