Alden, hinulaan, flop ang movie sa 2023!

Alden, hinulaan, flop ang movie sa 2023!

December 26, 2022 @ 7:43 PM 1 month ago


Manila, Philippines- Diyos pa rin ang tanging nakakaalam kung anong kinabukasan pa rin ang naghihintay sa atin.

Kumbaga, ang mga naglipanang hula kung ano ang maaaring maganap sa 2023 ay paalala o babala lang.

Walang katiyakan o kasigaruduhan.

Pagpapatuloy pa rin ito ng fearless forecast ni Mamu Gloria Escoto sa mga artista gamit ang kanyang mga baraha.

Isa sa mga hinulaan niya’y ang takbo ng career ni Alden Richards.

Pinagbasehan rin nito ang kapanganakan ng binansagang Pambansang Bae bilang January 2, 1992.

Ani Mamu Gloria, hindi raw masuwerteng taon ang 2023 para kay Alden.

Nakikita niyang magiging flop ang pelikula ng aktor kasama si Bea Alonzo.

Hindi tinukoy ni Mamu Gloria kung ito ba ‘yung Tagalog adaptation ng isang Korean material na tatlong malalaking film company ang magpoprodyus.

Pero sa larangan ng trabaho’y magiging aktibo pa rin si Alden.

Ito raw bale ang focus ng kanyang atensyon dahil sa kawalan ng lovelife.

Wala pa raw kasing napupusuan ang aktor as in zero pa rin ang lovelife niya.

With regard to Alden’s movie na nanganganib maging flop sa takilya, this must send a strong message to the three film outfits bankrolling the project.

Sayang dahil matagal nang pinlano ito, about the same time noong lumipat si Bea sa GMA. Ronnie Carrasco III