Alden, kinanta ang mga muntik nang makarelasyon; Maine, wala sa listahan!

Alden, kinanta ang mga muntik nang makarelasyon; Maine, wala sa listahan!

January 25, 2023 @ 5:47 PM 6 days ago


Manila, Philippines- Sa kauna-unahang pagkakataon and on national television at that, matapang na inamin ni Alden Richards ang mga babaeng muntik na niyang nakarelasyon.

Sorry, pero hindi kasama si Maine Mendoza roon as what the AlDub fans had long been wishing for.
For the record, dalawa lang ‘yon, sina Wynwin Marquez at Julie Ann San Jose.

This Alden revealed sa January 25 episode ng Fast Talk with Boy Abunda.

Ani Alden, mas mabigat daw na dalahin ang kaso nila ni Julie Ann.

Ilang taon din daw silang hindi nag-imikan until siya na raw ang gumawa ng paraan para magkaayos sila ng Limitless Star.

Inamin ni Alden na siya raw ang may pagkukulang kaya hindi naging sila ni Julie Ann.

Mas pinili raw kasi ni Alden na ituon ang pansin sa kanyang career.

“Parang iniwan ko siya and I was to blame,” pagtatapat ni Alden kay Boy Abunda.

Nakahanap naman daw ng magandang tiyempo si Alden para humingi ng tawad kung nasaktan man niya ang damdamin ni Julie Ann.
Kuwento niya, once ay silang dalawa na lang daw ni Julie Ann sa green room ng Studio 7 ng GMA.

Ni-lock daw niya ang pinto at kinausap ang aktres nang masinsinan.

Naniniwala raw si Alden na walang sugat ang hindi naghihilom sa pagdaan ng panahon.

Since then, lumuwag na raw ang kanyang kalooban.

He and Julie Ann have since become friends again.

Sa ngayon, nananatiling loveless si Alden habang Julie Ann is rumored to be playing beautiful music with Rayver Cruz. Ronnie Carrasco III