Alden, may project with Miss Spain 2021?

Alden, may project with Miss Spain 2021?

May 8, 2022 @ 2:41 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Tiyak na hindi palalampasin ng Viva ang pagkakataong kunin ang serbisyo ni Alden Richards para sa isang film project na pagsasamahan nila ni Miss Spain 2021 Sarah Loinaz.

Base ito sa larawang magkasama ang aktor at ang Spanish beauty.

Bukod pa ito sa larawan sa Instagram kung saan nasa Viva office si Sarah kasama si Boss Vic del Rosario.

Sarah posted on Instagram na hindi na siya makapaghintay sa mga exciting things na maganap sa bansa.

Pinuri rin niya kung gaano ka-welcoming ang mga Pinoy.

Sa isang Q & A, tinanong si Sarah kung guwapo si Alden, na sinagot naman niya nang walang kagatul-gatol na “Yes!”

Pero para sa Spanish beauty, the best daw na katangian ni Alden ay ang kababaang-loob nito.

Natuklasan daw niya kasing maraming mapagkawanggawang gawain ang aktor.

Since na-establish na ang kanilang closeness, tiyak na ika-capitalize ito ng Viva.

‘Yun nga lang, hindi mapigilan ang mga netizen na magtanong kung kailan magkakanobya ang aktor.

Si Miss Spain na raw kaya ‘yon?

Let’s see. Ronnie Carrasco III