Alden, nalungkot sa kontrobersiya sa Eat Bulaga!

Alden, nalungkot sa kontrobersiya sa Eat Bulaga!

March 10, 2023 @ 6:45 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines- Matagal-tagal ding hindi napanood si Alden Richards sa Eat Bulaga dala na rin ng patung-patong niyang trabaho.

Kaya naman looking forward ang mga fans ng aktor na umaasang makikita siyang muli sa Sabado, March 11.

Tulad naman nang ipinangako ni Alden bago siya namahinga doing his daily hosting, aasikasuhin lang daw muna niya ang iba niyang commitments.

Hindi maaaring hindi hanapan ni Alden ng panahon ang programang nagsilang sa tambalan nila ni Maine Mendoza, ang AlDub.

It’s just that nabuwag na rin ang partnership nilang ‘yon which caused disappointment among their followers.

Public knowledge na naman kasi na si Quezon City First District Congressman Arjo Atayde ang nobyo ni Maine.

Masasabing timing ang pagbabalik ni Alden sa Eat Bulaga lalo ngayong nasa gitna ito ng kontrobersya.

Isa siyempre si Alden sa mga nabigla at nalungkot sa kada may bagong development sa EB.

Sana lang, magtuluy-tuloy na ang reemergence ni Alden sa show from Saturday onwards.

Huwag lang umasa ang ibang miyembro ng AlDub nation na magbabalik ang sinuportahan at tinangkilik nilang tambalan.

Lalong malabo itong mangyari most especially na may balitang um-attend na ng seminar sina Maine at Arjo para sa mga magpapakasal.

To Alden, welcome back on Eat Bulaga! Ronnie Carrasco III