Alden, namudmod ng P10K sa pamilya!

Alden, namudmod ng P10K sa pamilya!

January 3, 2023 @ 3:29 PM 1 month ago


Manila, Philippines – “Time spent well with family is perfect!”

Isa ito sa mga comments ng netizen sa ipinost na family picture ni Alden Richards.

Picture-perfect nga kung ilarawan ni Carla Abellana ang post ni Alden.

Makikita sa larawan na may salu-salo ang buong Faulkerson family sa garden.

May malaking payong na nakatakip sa bamboo table na may mga nakahaing pagkain at wine.

Picnic lang ang peg ng holiday reunion ng family ng aktor.

Sa video na ipinost ng ama ni Alden, makikitang nakapila ang mga kaanak ni Alden dahil isa-isa niya itong binigyan ng tigte-P10, 000.

Pagkatapos nga ng Christmas vacation na in- enjoy ni Alden ay dumiretso siya sa rehearsal ng taunang GMA countdown sa bisperas ng papasok na taon.

Katatapos lang ng kaarawan ni Alden last January 2.

Samantala, hinulaan si Alden na hindi pa rin magkakaroon ng nobya sa taong 2023.

Sa halip daw na ituon nito ang kanyang atensyon sa lovelife ay mas pipiliin na lang daw niyang magpakasubsob sa trabaho. Ronnie Carrasco III