Alden, niregaluhan ng relo ang ama, may kasunod pang sasakyan?

Alden, niregaluhan ng relo ang ama, may kasunod pang sasakyan?

June 14, 2022 @ 7:50 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Mukhang patikim lang ang Swiss-made na wristwatch na iniregalo ni Alden Richards sa kanyang ama in celebration of Happy Father’s Day.

Sa June 19 pa ang espesyal na araw na nakalaan para sa mga ama  pero natanggap na ng ama ng aktor ang kanyang regalo.

Proud ngang ipinost ni Richard Fawkerson Sr. ang relong tinakpan niya ang tatak.

“Thank you soyti,” ang caption ng ama.

May sagot naman si Alden, “gusto mo ng sasakyan?”

At this juncture, nahiya na ang ama.

Kung sakali kasi, isang pick-up na sasakyan ang pangarap ng ama, na hindi imposibleng magkaroon ng katuparan.

Pinuri naman ng mga netizen kung gaano ito kabait na anak sa kanyang tatay.

Sana raw ay lahat ng mga anak ay ganoon.

Kung sakali, aabot sa mahigit P2M ang regalo ni Alden sa ama: relo plus sasakyan.

Bongga! Ronnie Carrasco III