Alden Richards, ayaw na ng malamig na pasko

Alden Richards, ayaw na ng malamig na pasko

July 31, 2018 @ 7:41 PM 4 years ago


Ano kayang ‘magic’ mayroon ang karakter ni Victor Magtanggol na ang tsika, mula nang gampanan ito ni Alden Richards ay naghahanap daw ito ng makarerelasyon.

Ang rason diumano ng Pambansang Bae ay ayaw na nitong magiging malamig ang kanyang Pasko.

Aniya, napapanahon na raw para magkarelasyon ito at kung siya ang masusunod ay sana mahanap na niya sa taong ito.

Kaya lang, ang malaking ‘but’ ay parang nagbibiro raw ito sabi ng aming source nang sabihing sawa na siya sa pagkakaroon ng malamig na Pasko.

Seriously, inamin ng 26 gulang na aktor na handa na siyang panindigan ang pakikipagrelasyon sakaling mahanap na nito ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso.

Ito ay sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang pinagbibidahang GMA-7 prime time series na Victor Magtanggol, pagku-co-host sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga!, at pagiging bahagi ng weekly comedy-variety show na Sunday PinaSaya.

Inamin din nito na sa ngayon ay wala pa raw siyang idine-date pero hindi raw niya pipigilan ang sarili sakaling may mapusuan siya.

Aniya, hindi nito isinasara ang pintuan kung ang mapipili nitong maging syota ay katulad din nitong artista. “I am also not closing my doors to be romantically involved with someone outside showbiz.”

Dagdag ni Alden, paninindigan na raw niya ito ang pagkakaroon ng syota kahit anuman ang sasabihin ng mga tao. “Kasi siyempre, buhay mo naman ito. Tayo po ang may desisyon kung anong gustong gawin sa buhay natin.”

– PAISTARRR ni Alex Datu