Alden Richards, kanino mapupunta, kay Kris o Vice?

Alden Richards, kanino mapupunta, kay Kris o Vice?

June 22, 2018 @ 3:30 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Isang pagpapatunay sa kasabihang kung mabait kang tao ay mahal ka ng Diyos na nangyayari ngayon kay Alden Richards. Iba raw kasi itong nangyayari kay Pambansang Bae dahil sunod-sunod ang suwerteng dumarating sa kanya nitong mga huling araw.

Kasisimula lamang nito ng kanyang TV-serye sa Kapuso network, ang Victor Magtanggol, at may balitang siya ngayon ang tinatarget ni Vice Ganda at ng Star Cinema na makapareha ng komedyana sa kanyang pelikulang ilalahok sa darating na Pista Ng Mga Pelikulang Pilipino ngayong taong ito o Metro Manila Film Festival 2018.

Masuwerte nga siya kung tutuusin dahil pagkatapos nababalitang ipapareha kay Vice Ganda ay si Dingdong Dantes para tapatan ang pelikula nina Vic Sotto at Coco Martin pero sa pinakahuling balita, siya na umano ang magiging leading man ng komedyante.

Sa pinakahuling balita naman tungkol kay Kris Aquino ay si Alden umano ang pinili nito na maging leading man sa grupo nina Daniel Padilla, Enrique Gil, James Reid at maging kay Joshua Garcia na kasama niya sa pelikulang I Love You Haters.

Ayon sa mga netizens, kung matutuloy ang pagtatambal ng dalawa ay tiyak May-December love affair ang tema ng pelikula base sa agwat ng edad nang dalawa sa isa’t isa. Kinontra naman ito ng mga pasaway na nagsasabing huling pelikula na ‘yun ng aktor.

 

PAISTARRR                                                                                                                  Alex Datu