Alert Level 0, malabo pa – PDu30

Alert Level 0, malabo pa – PDu30

April 6, 2022 @ 8:28 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Mananatili ang Pilipinas sa Alert Level 1 at malabo pa ito na ma-deescalate o maibaba sa Alert Level 0 sa COVID-19 pandemic response system nito hangga’t “everything is alright.”

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi bilang tugon sa panawagan na pagaanin na ang restriksyon sa bansa.

Ani Pangulong Duterte, magagawa lamang niya ito kapag ang kaso ng coronavirus sa Pilipinas ay bumaba sa isa hanggang dalawa na lamang.

“You know, lahat halos gusto ibalik na sa Zero o lahat One. Di pwede kasi mayroong mga lugar na mayroon pa. Until such time na talagang almost isa o dalawa na lang all over the country,” ayon sa Chief Executive.

“Alert level 1 is still a good buffer natin. Wag muna tanggalin until we’re sure everything is alright especially sa ating lugar kasi mag-reinfect nang mag reinfect tapos may mutant na bago. Dyan magkakaproblema,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Kalakhang Maynila at ilang rehiyon sa bansa, ang Alert Level 1 ang itinuturing na “most relaxed” mula sa five-tier restrictions classification sa bansa. RNT