Alert level 1 itinaas sa Bulkan Bulusan – Phivolcs

Alert level 1 itinaas sa Bulkan Bulusan – Phivolcs

October 12, 2022 @ 5:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong Miyerkules, Oktubre 12 ang alert level 1 sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon dahil sa “low-level unrest.”

Sa bulletin na inilabas alas-3 ng hapon, sinabi ng Phivolcs na nakapagtala sila ng 126 na mahina at mababaw na volcanic earthquakes mula nitong Martes, Oktubre 11.

“Most of these events occurred in the northwestern sector and the summit area of Bulusan and are attributed to rock-fracturing processes within the edifice,” anito.

“In addition to these earthquakes, several monitored parameters indicate increased hydrothermal activity and overall unrest,” dagdag pa.

Ayon pa sa Phivolcs, ang ground deformation at pagbabago sa paligid ng bulkan ay nangangahulugan ng short-term inflation sa timog na bahagi ng Bulkan Bulusan mula Abril 2022.

“Moreover, a pronounced and ongoing inflationary trend that began in late September 2022 was detected by most of the electronic tilt stations on the southwestern and southern slopes. This current inflation cycle signifies ongoing pressurization of the shallow hydrothermal system,” dagdag pa ng ahensya.

Nakapagtala rin ng ulat ng masangsang na amoy ang ilang mga residente sa Sitio Talistison, Barangay Mapaso, Irosin at Brgy. San Roque sa Bulusan mula nitong mga nakaraan araw.

Dahil sa ilan sa mga aktibidad na ito ay nagdesisyon ang kagawaran na itaas mula Alert Level 0 sa Alert Level 1 ang bulkan.

Nagpaalala naman ito sa lokal na pamahalaan na pagbawalan ang publiko na pumasok sa idineklarang four-kilometer radius permanent danger zone. RNT/JGC