Alert Level 1 sa halalan, masinsinang pag-isipan – DILG

Alert Level 1 sa halalan, masinsinang pag-isipan – DILG

February 23, 2022 @ 7:00 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ng Department of Interior and Local Government ang mga awtoridad na irekonsidera ang pagpapalit sa Alert Level 1 lalo pa’t magsisimula na ang campaign season sa susunod na buwan.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang hamon na panindigan ang minimum public health standards ay magdo-doble sa oras na magsimula na ang mga lokal na kandidato sa kanilang pangangampanya sa Marso 25.

“Sa tingin namin pagpasok ng local campaign period it will be much more difficult for the department, Philippine National Police, and of course Comelec to enforce the minimum public health standards. So dapat po natin pagisipan nang mabuti kung tayo ay handa na sa Alert Level 1,” ayon kay Usec. Malaya sa Laging Handa public briefing.

Nakatakda namang magpulong ang mga Metro Manila mayors para talakayin ang rekumendasyon kung ang rehiyon ay dapat na i- extend ang Alert Level 2 o i- shift sa itinuturing na “most relaxed” Alert Level 1 o new normal sa Marso 1.

Ani Malaya, ipinaalam na ng mga Alkalde sa DILG ang kanilang kahandaan sa Alert Level 1 kung ito ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force.

Samantala, sinabi naman ni OCTA Research fellow Guido David na ang Metro Manila ay magiging handa sa new normal sa susunod na buwan base sa testing positivity rate, healthcare utilization rate, at ICU bed usage.

Hinikayat naman nito ang mga supporters ng mga kandidato na dadalo sa campaign sorties na magpabakuna at magpa- booster shot.

” events should ideally be held outdoors, ensure ventilation in indoor spaces, and minimize physical contact to avoid another COVID-19 spike,” ayon kay Malaya. Kris Jose