ALERT LEVEL 1 SA METRO MANILA

ALERT LEVEL 1 SA METRO MANILA

February 11, 2022 @ 8:37 PM 4 months ago


MALAMANG na irekomenda na ng Metro Manila Mayors sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-iral ng Alert Level 1 kontra COVID kung magpa­patuloy na sa pagbaba ng kaso rito.

Harinawa para naman magtuloy-tuloy na ang panunumbalik ng sigla ng ating kabuhayan.

Kinumpirma mismo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbaba ng mga kaso sa nakalipas na mga araw at ina­asahan nitong bababa pa sa nasa 1,000 na lang sa katapusan ng buwang ito.

Mismong si MMDA Offi­cer-in-Charge at General Ma­na­ger Romando Arte ang nagsabi ukol sa rekomendasyon ng mga alkalde ngunit dapat na angkop ang mga datos para saAlert Level 1.

Sa panuntunan ng IATF, idedeklara nila ang Alert Level 1 sa mga lugar na mababang hawaan ng COVID-19, mababang “bed utilization rate” at intensive care unit utlization rate”.

Sa ilalim kasi ng Alert Le¬≠vel, papayagan na ang “intrazonal at interzonal travel para sa kahit anong edad at may comorbidities na taglay.

Ang lahat ng mga establisiyemento naman ay papayagan na mag-operate at lahat ng tao ay makapapasok o magtrabaho nang on-site ngunit sa seating capacity.

Pero lahat ay sumusunod  pa rin sa minimum public health standards.

Gets ninyo?

Ayon sa Department of Health, meron na lang po ta­yong 1,271 new cases araw-araw at patuloy na lumiliit hanggang sa inaasahang 1,000 na lang sa katapusan ngayong buwan.

 So sakaling maabot na natin magandang kalagayan,  muling manunumbalik ang sigla ng ating bansa.

Kaya, mga kababayan, sakaling magdeklara ang IATF ng Alert Level 1, dapat patuloy pa rin tayo na mag-ingat.

o0o

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 092¬≠6¬≠6719269 o i-email sa juande¬≠[email protected] o juande¬≠[email protected]