Alert Level 1 sa NCR ibinabala ng mga doktor

Alert Level 1 sa NCR ibinabala ng mga doktor

February 24, 2022 @ 12:45 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine College of Physicians (PCP) nitong Huwebes na hindi pa handa ang Metro Manila na ibaba sa Alert Level 1 kung isasaalang-alang ang mababang pagbabakuna at booster shot rate ng dalawang bulnerableng sektor.

Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng PCP, na habang patuloy na bumababa ang arawang kaso ng COVID-19 at ang healthcare utilizations sa capital region, ang Metro Manila ay hindi pa naaabot ang target na mabakunahan ang 80% ng mga matatanda at mga taong may comorbidities — isa sa mga batayan ng ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Idinagdag niya na pa na ang booster shot rate ay dapat kapantay ng vaccination rate.

“The elderly as well as those with comorbid condition should have received both the primary vaccine, as well as the booster dose,” ani Limpin sa CNN Philippines.

“It cannot be just the primary vaccine because if it’s just the primary vaccine then we expect already that their immunity has already gone down and therefore increased likelihood of getting infection and getting severe disease,” giit pa ni Limpin.

“We need to ramp up the vaccination campaign before we really start looking into downgrading our alert level system,” dagdag pa niya.

Nauna nang inirekomenda ng mga mayor ng Metro Manila sa IATF na i-downgrade ang rehiyon sa Alert Level 1 o ang “new normal” ang capital region. RNT