Alert level 2 itinaas sa Mayon

Alert level 2 itinaas sa Mayon

October 7, 2022 @ 5:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang banta sa Bulkang Mayon.

Ito ay dahil sa mas tumaas pang aktibidad sa lava dome nito.

Sa bulletin, sinabi ng Phivolcs na nitong Oktubre 4 ay nakapagtala sila ng pagtaas sa volume ng lava dome ng 48,000 cubic meters mula Agosto 20.

“Ocular inspection of the summit during an aerial survey this morning confirmed the presence of freshly extruded lava at the base of the summit lava dome,” dagdag pa ng ahensya.

Sa pinakahuling ulat ng Phivolcs, wala naman naitalang volcanic earthquakes sa nakalipas na 24-oras ngunit inaabisuhan ang publiko na huwag pumasok sa six-kilometer-radius permanent danger zone dahil sa posibilidad ng phreatic o magmatic eruption.

“This means that there is current unrest driven by shallow magmatic processes that could eventually lead to phreatic eruptions or even precede hazardous magmatic eruptions,” anang ahensya.

Matatandaan noong Agosto 21 itinaas ng Phivolcs ang Alert Level 1 sa Bulkang Mayon. RNT/JGC