Alert Level 2, muling itinaas sa Marikina River

Alert Level 2, muling itinaas sa Marikina River

July 20, 2018 @ 9:22 AM 4 years ago


Marikina City – Umabot na naman sa 16.1 meters ang antas ng tubig sa Marikina River ngayong alas-8:30 ng umaga.

Dahil dito, itinaas muli ang 2nd alarm o ibig sabihin ay magpapatupad na ng preemptive evacuation sa mga residenteng malapit sa ilog ang tirahan.

Patuloy ang nararanasang pag-ulan sa Metro Manila dulot ng Habagat na pinalalakas ng bagyong Inday. (Remate News Team)