Alert level 4 lockdown sa Maynila, sasabayan ng liquor ban

Alert level 4 lockdown sa Maynila, sasabayan ng liquor ban

September 15, 2021 @ 7:47 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagpapatupad ng COVID-19 Alert Level System sa National Capital Region (NCR) kung saan kabilang ang lungsod ng Maynila, mahigpit din na ipatutupad ang liquor ban sa nasabing lugar.

Sa nilagdaang Executive Order (EO) No. 28 ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nakasaad dito ang mga umiiral nang patnubay ng pamahalaang nasyunal para sa “pilot implementation” ng naturang sistema upang mapigilan ang pagkalat pa ng virus sa bansa.

Ang Lungsod ng Maynila, at iba pang mga lungsod sa Metro Manila, ay inilagay sa ilalim ng Alert Level 4 sa ilalim ng general community quarantine ng pambansang pamahalaan simula Huwebes, Setyembre 16.

“”The authority to impose granular lockdown shall be exercised by the city mayor with respect to his component barangays subject to the concurrence of the Regional Inter-Agency Task Force (RIATF), and individual houses where one household member has been confirmed, residential buildings, streets, blocks, puroks, subdivisions, and/or villages within their jurisdiction,” saad sa EO.

“Granular lockdown shall be for a period of not less than 14 days, and shall take effect immediately,” saad pa ng EO.

Dapat iulat ng Manila Health Department sa Department of Interior and Local Government ang mga detalye ng ipatutupad na granular lockdown.

Dapat ding bigyan ng tulong o ayuda ng lokal na pamahalaan ang mga apektadong indibidwal, katuwang ang nakasasakop na barangay at Department of Social Welfare and Development, alinsunod sa umiiral na alituntunin.

Sa bahagi naman ng Manila Police Department, ay sisiguruhin naman ang kaayusan at kapayapaan habang umiiral ang Alert Level 4.

“Curfew hours in the City of Manila shall be from 10 pm until 4am starting Thursday, in accordance to the shift of quarantine status in the National Capital Region,” saad pa ng EO.  Jay Reyes


  •  
  •  
  •