Alert Level 4 makaaapekto sa milyon-milyong empleyado – ECOP

Alert Level 4 makaaapekto sa milyon-milyong empleyado – ECOP

January 13, 2022 @ 2:00 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nababahala ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) kung itataas sa Alert Level 4 ang quarantine classification dahil sa maaari itong makaapekto ng milyon-milyong empleyado.

Sa panayam ng Super Radyo dzBB, sinabi ni ECOP president Sergio Ortiz-Luis Jr. na maaapektuhan ang tatlong milyong Pilipino oras na mas maghigpit pa sa restriksyon.

 “Madali lang kasi sabihin na dapat Alert Level 4 tayo…’Yung mahihirap hindi kaya ‘yun, Mga 3 million na naman ang apektado, ang gugutumin mo na walang ayuda,” dagdag pa nito.

Naunang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III ang posibilidad na maitaas pa ang quarantine status sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 4. RNT/FGDC