Alert Level 4 sa N. Samar pinalagan

Alert Level 4 sa N. Samar pinalagan

January 23, 2022 @ 10:00 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Pinalagan ng provincial health officer ng Northern Samar ang paglalagay sa probinsya sa Alert Level 4 hanggang sa katapusan ng Enero.

Sinabi ni Northern Samar Provincial Health Officer Dr. Ninfa Caparroso-Kam sa Laging Handa briefing na ang nasabing hakbang ay “adding insult to injury” lang.

“Sa ngayon, to be honest, kami po ay nagulat noong itong aming probinsya ay ginawang Alert Level 4,” ani Caparroso-Kam.

Sa datos mula sa regional health office, sinabi ni Caparroso-Kam na ang kanilang average daily attack rate (ADAR), o ang insidente na nagpapakita ng bagong kaso ng hawaan kada 100,000 indibidwal sa isang panahon, ay malayo pa sa kritikal na lebel.

Giit ni Caparroso-Kam, na aabot lang sa 3.25 ang ADAR ng Northern Samar.

Dagdag pa ng opisyal na dapat higit 200 ang pagdoble ng kaso sa probinsya para mailagay ito sa Alert Level 4, pero giit niya na naglalaro lang sa 84 hanggang 100 ‘doubling of cases’.

Sa kabila nito, inamin niya naman na nagkaroon ng pagkakamali sa pagbibilang ng kaso sa pamamagitan ng pagdagdag sa mga health worker na may mild symptoms at isolation sa bed tracker count.

Sinabi ni Caparroso-Kam na nagpulong na ang provincial government officials para umapela sa IATF na ibalik na sila sa Alert Level 3. RNT