Alert level system dinepensahan ng DOH sa WHO

Alert level system dinepensahan ng DOH sa WHO

September 18, 2021 @ 3:00 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) na ang bagong alert level system sa Metro Manla ay hindi para i-relax ang quarantine restrictions bagkus ay ma-refocus ang COVID-19 response ng gobyerno.

Ito ang paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire makaraang magbabala si World Health Organization (WHO) country representative Rabindra Abeyasinghe sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions.

“I think maraming tao ang nagkakaroon ng maling pananaw dito sa ginagawa nating pilot implementation. So hindi po tayo nagluluwag, una po ‘yan. Kailangan pong maintindihan natin na nag-restrategize po tayo para mas may focus ang  ating response,” saad nito.

Aniya, ang bagong lockdown system ay nakatuon sa bagong framework ng 3Cs o ang restrictions sa indoor activities (closed), crowding (crowded), at  activities na may  minimum health standards.

“Mas  focused ang ating intervention for the objective na bumaba ang transmission ng kaso sa bawat lugar at mapaigting ng local government ang kanilang response para po patuloy mapababa ang kaso sa ating bansa,” punto ni Vergeire. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •