Alert Level sytem pwede nang ‘di ipatupad – Concepcion

Alert Level sytem pwede nang ‘di ipatupad – Concepcion

January 31, 2022 @ 2:24 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Naniniwala si Presidential Adviser on Entrepenurship Joey Concepcion na makakaya na ng gobyerno na hindi na magpatupad pa ng alert level system pagsapit ng Marso o Abril.

Sinabi ni Concepcion na nasanay na kasi aniya ang mga tao sa mga ipinatutupad na health safety protocol sa nakalipas na 22 buwan.

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Concepcion na pabagsak na ang level of infection na nililikha ng Omicron variant ang ang naging pasiya ng IATF na alisin na ang quarantine restrictions sa mga turista at OFW ay isang indikasyon na nagsisimula na tayong mag- move on.

Maituturing aniyang “good news” na naibalik na rin ang maraming lugar sa Alert level 2 gaya ng NCR habang naruruon din aniya ang kanyang pag- asa na Alert level 1 na sa katapusan ng Pebrero ang Metro Manila.

Giit ni Concepcion na kakayanin kung tutuusin na tanggalin ang alert level system bastat siguraduhin lang na tuloy ang pag- oobserba ng minimum health protocol at gawing walang patid ang pagbabakuna. Kris Jose