Alert status sa Mayon, ibinaba sa ‘Level 1’ – PHIVOLCS

Alert status sa Mayon, ibinaba sa ‘Level 1’ – PHIVOLCS

March 16, 2023 @ 2:57 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibinaba na sa “Level 1” ang alert level status ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Huwebes, Marso 16, nangangahulugan ito ng “low level of unrest” sa bulkan.

Sa ilalim din ng Alert Level 1, maliit ang tsansa ng biglaang pagsabog ng bulkan.

Ang desisyon na ibaba ang alert level sa Bulkang Mayon ay dahil sa “steady decline” na namonitor sa bulkan mula nang magsimula ang taon.

Kasama dito ang 0 hanggang 1 event per day na volcanic earthquake na naitatala.

“Most of these occurred at depths of 6–10 kilometers beneath the eastern flanks and are attributed to rock fracturing processes within the volcano. In addition, rockfall from Mayon’s summit dome occurred during periods of intense rainfall over the summit area, rather than from extrusion of new dome lava at the crater,” ayon sa PHIVOLCS.

Nawawala na rin ang pamamaga sa bunganga ng bulkan mula noong Hulyo hanggang Agosto 2022.

Bumaba rin sa 201 tonnes per day noong Marso 2, 2023 ang sulfur dioxide (SO2) emission mula sa 477 tonnes per day noong Disyembre 8, 2022.

“These SO2 emissions are considerably below the background level of 500 tonnes/day, and such relatively low levels are consistent with passive degassing of resting magma beneath the edifice,” dagdag pa ng PHIVOLCS.

“The summit lava dome, which grew a total extruded volume of 132,000 m3 between June and December 2022, has not exhibited further growth since. Crater glow, or incandescence associated with superheated gas emitted from the summit crater, has remained weak and visible only with the aid of a telescope. These observations of stable summit conditions are consistent with the absence of magma re-supply to the shallow levels of the edifice,” pagpapatuloy nito.

Samantala, sa kabila na nasa Alert Level 1 na ang Bulkang Mayon, nagpaalala ang PHIVOLCS na bawal pa rin ang pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone dahil sa banta ng rockfall, avalanche, ash puff, at biglaang steam-driven o phreatic eruption sa tuktok nito.

Inaabisuhan din ng civil aviation authorities ang mga piloto na iwasang lumipad malapit sa bunganga ng bulkan.

Pinag-iingat naman ang mga residente malapit sa mga ilog mula sa bulkan na maging alerto sa steam flow at lahat kapag malakas ang ulan. RNT/JGC