Alex, binawi ang kuwentong nang-isnab si Heart!

Alex, binawi ang kuwentong nang-isnab si Heart!

November 18, 2022 @ 7:30 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Ano ba talaga ang totoo?!

Ito ang nagsusumigaw na tanong ng mga netizen sa kuwentong ibinahagi ni Alex Gonzaga sa collab nila ni Dra. Vicky Belo.

Belo let Alex do all the talking as they initially touched on their trip to Milan, Italy to attend the fashion week.

Nagtaka rin daw si Belo kung bakit dinedma sila ni Heart Evangelista who was also at the event gayong the three were seated at the front row.

But between the two, it was Alex who called Heart’s attention.

Tila may halo pang panunumbat ang hanash ni Alex.

Kesyo close friends daw sila ni Heart, having worked together in ABS-CBN’s series Pangarap na Bituin in 2007.

Nakipag-collab din daw si Alex kay Heart when she featured Senator Chiz Escudeero’s office on her vlog in 2019.

Entonces, takang-taka raw sina Belo at Alex kung bakit inisnab sila ni Heart.

Ani Belo, Heart that time looked stressed.

Marahil ay may kinalaman ito sa kanyang pinagdadaanan.

Pero matindi si Alex: biglang kambyo sa statement niya!

Paglilinaw ni Alex sa kanyang Facebook page, hindi raw nila nakita sa event si Heart.

Biruan lang daw nila ‘yon ng lady doctor.

Because of this, umani ng batikos si Alex kung totoo ngang she just made up the isnaban story.

Dapat daw ay humingi ng paumanhin si Alex lalo pa’t siya na rin ang nagsabi that the actress is nice to her.

‘Yan ang napapala ng mga “mema”! Ronnie Carrasco III